Sa Season 89TH NCAA Men’s Basketball Altas nananatiling palaban
MANILA, Philippines - Walang ibang nakikita ang pamunuan ng UniverÂsity of Perpetual Help (UPH) Altas kundi ang mahigitan ang naipakita noong nakaraang taon sa Season 89 NCAA men’s basketball.
Graduate na ang mga dating kamador na sina Jetterson Vidal at Jorge Allen pero nananatiling buo ang ibang manlalaro na nakatulong para ihatid ang Altas sa unang Final Four sa NCAA sa huling walong taon.
Mangunguna sa mga magbabalik sina Nigerian players Nicolas Omorogbe at Femi Babayemi, habang ang mga sasandalang locals ay pangungunahan ni Earl Scottie Thompson na noong nakaraang season ay hinirang bilang Most Improve Player at kasapi ng Mythical Five.
Si Harold Arboleda ang itinalaga ngayon bilang team captain habang sina Justine Alano, Mark Bitoy, Christoper Elopre, Joel JoÂlangcob at Anthony Paulino ay magbabalik din.
Gagabayan pa rin ng beteranong coach na si Aric del Rosario, pinalakas ang line-up sa paghugot sa mga baguhang sina 6’4 Nestor Bantayan Jr., 6’4 Kervin Lucente, 6’4 Kevin Oliveria, 6’1 John Ylagan, 5’10 Juneric Baloria at 6’0 Gerald Dizon.
Para makapasok sa Final Four sa Season 88, ang Altas ay tumapos sa 10-8 karta at nanaig sa Jose Rizal University sa playoff para sa ikaapat at huling puwesto sa semifinals.
Naglagay ng ningÂning sa kampanya ng Altas noÂong nakaraang taon ay ang naitalang 88-87 overtime panalo sa San Beda sa first round.
Samantala, magsisikap din ang juniors team ng Perpetual Help na hahaÂwaÂkan pa rin ni Tonichi Pujante na magkaroon ng disenteng kampanya kaÂhit tatlo lamang ang mga beterano na magbabalik sa season.
Sina Mario Amploquio, Shaquille Imperial at John Umali ang mga datihan na aasahan sa liderato para gabayan ang mga bagitong sina Jason Entrampas, Jason Alano, Ronald Corrales at Dexter Costanilla ng Cebu; Rudolph Udal ng Davao; Arvin Migote, Sean Neri, Jeszir Sison, Danreb Tan ng Isabela at John Umali ng Pasig City.
Ang pinakamatandang collegiate league sa bansa ay magbubukas sa Sabado, Hunyo 22, sa MOA Arena at ang host ay ang College of St. Benilde.
- Latest