Volleyball, Football sibak na Dragon boat team may pag-asa sa Myanmar SEAG
MANILA, Philippines - Bukas pa ang pintuan para sa dragon boat team para sa ipadadalang Pambansang delegasyon sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.
Sa panayam kay Chief of Mission Jeff Tamayo kaÂhapon, sinabi niyang biÂnigyan ng Task Force na binubuo ng POC at PSC, ng 30 slots ang dragon boat para masama sa Pambansang delegasyon.
“Magkasama na ang laÂlaki at babae rito. Pero hindi naman sigurado pa ang slot dahil kailangan pa nilang i-justify ang sarili base sa mga records or performances nila at ng mga makakalaban,†wika ni Tamayo.
Nasa 200 ang bilang ng atleta na kanilang nasipat na puwedeng ipadala at 130 rito ay mga nanalo ng medalya sa 2011 SEA GaÂmes.
Ang naiiwang 70 slots ay inilalaan para sa iba pang atleta na puwedeng makitaan ng potensyal na manalo ng ginto base sa kanilang mga performances.
Idinagdag pa ni Tamayo na ang football at women’s volleyball ay hindi na maisasama habang nakabinbin pa ang pagsama ng men’s basketball sa delegasyon.
“Kahit saan tingnan, maÂging sa regular football o futÂsal, ay talagang wala tayong panalo sa football at ganoon din sa volleyball. Sa kaso ng basketball, hinihintay pa namin ang SBP ng communication kung sasali ba sila o hindi. May lumapit kasi sa POC office mula sa SBP at sinabing hindi na magpapadala ng team ang basketball,†paliwanag pa ni Tamayo.
Ang entry by numbers ay naipadala na habang ang entry by names ay sa bandang Oktubre pa ibibiÂgay kaya’t mula ngayon hanggang Oktubre ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga na-screen na patuÂnayan na karapat-dapat sila na masama sa Pambansang delegasyon.
“Ang Task Force ay paÂtuloy na magsasagawa ng due diligence kasama ang mga NSAs para makita kung sino ang tunay na karapat-dapat na maipadala sa Myanmar,†ani Tamayo.
Ang pinal na magdedesisyon sa komposisyon ng Pambansang delegasyon ay manggagaling kina POC president Jose Cojuangco Jr. at PSC chairman Ricardo Garcia.
- Latest