^

PSN Palaro

Bam Bam sosorpresahin si Pacman

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkamali si Manny Pacquiao na labanan siya.

Ito ang pahayag ni Brandon ‘Bam Bam’  Rios kaugnay sa pagpayag ni Pacquiao na labanan siya sa isang non-title, welterweight bout sa Nobyembre 24 (Nobyembre 23 sa US) sa The Venetian Hotel sa Macau, China.

“He picked me because I lost,” wika ni Rios na natalo kay Mike Alvarado via unanimous decision sa kanilang rematch noong Marso 30.

“They probably think. ‘Brandon is easy to hit. Brandon gets hit all the time.’ (But) it’s a very different story when you get in the ring with me. I’ve been waiting for this fight all my life. They made a mistake picking me,” dagdag pa nito.

Si Alvarado ay nagkaroon ng right hand injury sa kanilang laban ni Rios kaya hindi siya pinili ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para makalaban ni Pacquiao.

Si Rios ang sinasabi ni chief trainer Freddie Roach na magiging hagdan ni Pacquiao para makabangon sa dalawang sunod na kabiguan noong nakaraang taon.

Ginulat ni Timothy Bradley, Jr. si Pacquiao mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9 at pinatulog naman siya ni Juan Manuel Marquez sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo noong Disyembre 8.

Ayon kay Roach, madaling tatamaan ng 34-anyos na Filipino world eight-division champion na si Pacquiao ang 27-anyos na si Rios.

“Rios is not difficult to figure out,” ani Roach. “He wants to throw punches and when you do that you get hit. He’s very hittable, more hittable than Alvarado. Manny will knock him out and I’ll be happy to see it. They can do what they want but that video was an embarrassment to them.”

 

BAM BAM

BOB ARUM

FREDDIE ROACH

JUAN MANUEL MARQUEZ

MIKE ALVARADO

NOBYEMBRE

PACQUIAO

SI ALVARADO

SI RIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with