^

PSN Palaro

Lady Bulldogs sa semis, Altas kumikikig pa

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. La Salle Dasma

vs Arellano

4 p.m. Perpetual vs UST

MANILA, Philippines - Walang nakatapat ang mga higante ng National University para madaling iuwi ang 25-13, 25-13, 25-21, panalo sa La Salle Dasmariñas at umabante na sa semifinals sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umani ng 46-18 bentahe sa attack points ang Lady Bulldogs para katampukan ang paghagip ng ikatlong sunod na panalo sa Group I at isama na ang nasa ikalawa na Ateneo (2-1) na umabante sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

“Masaya kami at nasa semifinals na kami. Pero ito ay bahagi rin ng aming paghahanda sa UAAP at hindi pa tapos ang aming laban,” wika ng 6’2” na  si Dindin Santiago na gumawa ng 13 kills tungo sa 14 hits.

May 11 kills tungo sa 13 hits si Myla Pablo habang 11 pa ang ibinigay ng 6’4” na si Jaja Santiago.

Ikalawang pagkatalo ang nalasap ng NCRAA champion Lady Patriots para samahan ang Arellano na namaalam na.

Nanatiling buhay ang paghahabol ng NCAA champion Perpetual Help para sa puwesto sa semifinals nang kunin ang unang panalo, 25-19, 25-27, 25-23, 25-22, sa San Sebastian sa unang laro.

Binalewala ng Lady Altas ang 28 puntos,  mula sa 27 kills at 1 block, ni Jeng  Bualee gamit ang solidong pagtutulungan para sa 1-1 baraha sa Group 2 sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

ARELLANO

DINDIN SANTIAGO

FINAL FOUR

FIRST CONFERENCE

GROUP I

JAJA SANTIAGO

LA SALLE DASMA

LA SALLE DASMARI

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with