^

PSN Palaro

PSC ibinaba sa 50% ang presyo ng tiket, Reyes tatapatan ang lakas ng Shanghai Sharks

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagsamang pu­wersa ng mga nasa Gilas at Cadets pool ang ipantatapat ni national coach Chot Reyes sa bisitang Shanghai Sharks sa kanilang exhibition game sa Mayo 6 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tinapik ni Reyes sina Gabe Norwood, Jeff Chan, Gary David, Japeth Aguilar at JunMar Fajardo mula sa naunang ninombra na 17-man national pool na ipanlalaban sa FIBA Asia Men’s Championship sa Agosto sa Pilipinas.

Isinahog dito ang mga mahuhusay na batang manlalaro sa Cadets na sina Kevin Alas, Garvo Lanete, RR Garcia, Greg Slaughter, Matt Ganuelas, Jake Pascual at Ronald Pascual.

Ang 6’10 naturalized center Marcus Douthit ang kukumpleto sa 13 manlalaro. Masasabing kumpleto ang team dahil may ma­lalaking manlalaro at may shooters bukod sa kakayahang tumakbo para pagurin ang kalaban.

Nagpatawag ng tatlong araw na pagsasanay si Reyes para mabuo ang team chemistry na mahalaga para maigupo ang malakas na katunggali

Ang Sharks na pag-aari ni dating Houston Rockets center Yao Ming, ay pamumunuan nina 6’3 point guard Liu Wei, 7’3 center Zhang Zhaoxu at 6’10 Ji Xiang.

Ang exhibition games na ito ay proyekto ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) at ang tiket sa nasabing laro ay ibinaba ang presyo sa 50%.

ANG SHARKS

ASIA MEN

CHOT REYES

GABE NORWOOD

GARVO LANETE

GARY DAVID

GREG SLAUGHTER

HOUSTON ROCKETS

JAKE PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with