^

PSN Palaro

Elite puntirya ang semis vs Road Warriors

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapatatagan ang dalawang koponan na mayroong limang sunod na panalo sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon sa Blue Eagle Gym, Katipunan, Quezon City.

Ang Blackwater Sports at NLEX Road Warriors ang mag-uunahan sa pag­­­sungkit ng ikaanim na sunod na panalo sa bakba­kang mapapanood sa alas-12 ng tanghali.

Una ang Elite  sa 12-koponang liga at hanap nila ang panalo para dumiretso na sa semifinals

Ang mangungunang dalawang koponan matapos ang single round elimination ay aabante na sa semis at ang mahahagip na ikawalong panalo ng tropa ni coach Leo Isaac ay sapat na para makuha ang isang puwesto.

“Maganda ang laban namin at ang mahalaga lamang ay hindi mawala ang disiplina ng team. Kahit isa o malaki ang kalamangan, ang mahalaga lamang ay panalo kami sa resulta ng laro,”  wika ni Elite coach Leo Isaac.

Sa kabilang banda, ang Road Warriors ay nasa ikalawang puwesto bitbit ang 5-2 karta at mahalaga rin ang makukuhang panalo dahil mananatili sila sa   mahalagang posisyon.

Ang Fruitas at Boracay Rum ay nasa ikatlong puwesto sa 5-3 karta at may laro ang Shakers kontra sa Hog’s Breath sa alas-10  ng umaga.

Kung manalo ang Sha­kers na siyang inaasahan lalo pa’t talsik na ang Razorbacks, at matalo ang NLEX, malalaglag sa ikatlong puwesto ang nagdedepensang kampeon.

 Ang EA Regens ay mapapalaban din sa kulelat na Informatics sa huling laro sa alas-2 ng hapon.

 

vuukle comment

ANG BLACKWATER SPORTS

ANG FRUITAS

BLUE EAGLE GYM

BORACAY RUM

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

LEO ISAAC

QUEZON CITY

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with