5-Batang shooters mag-uuwi ng medalya sa AYG Padilla mataas ang kumpiyansa
MANILA, Philippines - Mataas ang kumpiyan-sa ni PNSA National Youth Development Program head Nathaniel “Tac†Padilla sa tsansa ng limang batang shooters na ma-kapag-uwi ng karangalan sa Pilipinas sa gaganaping 2013 Asian Youth Games sa Nanjing, China mula Agosto 16 hanggang 24.
Sa pagbisita niya sa SCOOP sa Kamayan-Padre Faura kahapon kasama ang apat na shooters at coach na si Julius Valdez, kumbinsido si Padilla na hindi mabobokya ang Pilipinas sa shooting dahil sa ganda ng ipinakikita ng mga napili na kakatawan sa kompetisyon.
Ang limang shooters ay sina Celdon Arellano at Enrique Gazmin sa kalalakihan at sina Angela Dimaculangan, Amparo Acuna at Sophie Reyes na makikipagtagisan sa mga batang shooters sa Asia sa larangan ng air rifle.
“Sila ang future ng PhiÂÂlippine shooting at hanÂdang-handa sila. Nakikita ko rin na kaya nating maÂnalo ng medalya, kahit ang ginto,†ani Padilla na siya ring mauupo bilang Chief of Mission ng delegasyon.
Tinuran niya si Arellano na siyang may pinakamaÂgandang tsansa na manalo sa AYG dahil nakagawa na siya ng 591 puntos sa 600 targets sa national elimination noong Enero. Sa huling practice niya ay gumawa na siya ng 596.
Ang 15-anyos na fourth year high school student sa Kalayaan National High School sa Parañaque City ay sasalang sa ikalawang international tournament matapos mapalaban sa SEASA Shooting Championships sa Malaysia noÂong nakaraang taon at nakasama siya nina Mae Concepcion at Jayson Valdez na nanalo ng pilak
Ang 15-anyos na si Acuna ay nasalang na rin sa SEASA at ang karanaÂsan ay makakatulong din para makapagbigay ng kasiyahan sa bansa habang palaban din sina Dimaculangan, Reyes at 14-anyos na si Gazmin na apo ni Department of National Defense secretary Voltaire Gazmin.
- Latest