^

PSN Palaro

Clippers wagi sa Portland

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES--Bu­ma­lik si Chauncey Billups sa starting lineup para sa Los Angeles Clippers para sa inaasahang patuloy nilang ratsada patungo sa playoffs.

Sapat na ang pagbabalik ng veteran guard para sikwatin ng Clippers ang kanilang ikaanim na sunod na panalo mula sa isang 93-77 paggupo sa Portland Trail Blazers noong Martes ng gabi.

May apat na puntos si Billups na galing lahat sa free throw line sa loob ng 17 minuto. Walong laro ang iniupo ni Billups bunga ng kanyang strained right groin injury.

Humugot naman si Ca­ron Butler ng 18 sa kanyang 22 points sa third quarter sa kanyang pagbabalik mula sa isang right knee injury.

Nagdagdag si Blake Griffin ng 16 points, habang nagtala si DeAndre Jordan ng 10 points at 9 rebounds at nagposte si Chris Paul ng 11 assists para sa Pacific Division champions na tumapos sa kanilang home schedule sa 32-9 record.

Isasara nila ang ka­ni­lang regular season sa Miyerkules laban sa Sacramento Kings at ang kanilang panalo kasabay ng kabiguan ng Memphis ang magtitiyak sa Clippers sa pagkakaroon ng home-court advantage sa playoffs.

Target ng Clippers ang No. 3 seed sa West  ngunit kaila­ngan nila ng tulong mula sa Denver.

Kailangang matalo ang Nuggets kontra sa Phoenix Suns at dapat namang manaig ang Clippers.

 

vuukle comment

BILLUPS

BLAKE GRIFFIN

CHAUNCEY BILLUPS

CHRIS PAUL

LOS ANGELES CLIPPERS

PACIFIC DIVISION

PHOENIX SUNS

PORTLAND TRAIL BLAZERS

SACRAMENTO KINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with