Perpetual silat sa Arellano Ateneo sa quarters
Laro bukas
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. San Sebastian
vs UST
4 p.m. University of San Carlos vs National U
MANILA, Philippines - Sapat na puwersa laÂmang ang ginamit ng nagÂdedepensang Ateneo tungo sa 25-17, 25-16, 25-17, panalo sa Letran at angkinin ang unang puwesto sa quarterfinals sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 10 kills tungo sa 13 hits si Rachel Anne Daquis habang 13 puntos din ang ginawa ni Fille Cainglet para balikatin ang laban ng Lady Eagles sa Lady Knights tungo sa paglista ng ikatlong sunod na panalo sa Group A sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Binigo naman ng Arellano University ang nais na magarang pagbubukas ng kampanya sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa ng NCAA champion Perpetual Help sa pamamagitan ng 25-18, 25-19, 25-27, 26-24, panalo sa ikalawang laro.
Gumana uli ang mga dating MVPs na sina NeÂrissa Bautista at Mary Jean Balse sa kanilang tig-19 puntos para umangat ang Lady Chiefs sa 2-1 sa Group B.
SI Alyssa Valdez na kumamada ng 42 puntos sa naunang mga panalo ng Ateneo sa UST at San Sebastian ay pinaglaro lamang sa una at ikatlong sets pero tumapos pa rin bitbit ang 8 puntos.
May 9 kills si Cainglet para tulungan si Daquis na ibigay sa tropa ni coach Roger Gorayeb ang 42-24 kalamangan sa attack points.
Apat na service aces din ang ginawa ni Cainglet para sa 11-6 bentahe sa departamento habang 5-3 ang angat ng Ateneo sa Letran sa blocks at 2 ang inangkin ni Daquis.
Si Patcharee Sangmuang ay may 16 hits pero wala uli siyang nakuhang suporta sa mga kakampi para malaglag ang Lady Knights sa 0-2 baraha.
- Latest