Sangalang nagbida sa Delta
Laro Lunes (San Juan Arena)
12 nn Cagayan Valley vs Informatics
2 p.m. Big Chill vs Boracay Rum
4 p.m. Café France vs Jumbo Plastic
MANILA, Philippines - Naipakita agad ni Ian Sangalang ang kanyang kahalagahan sa pinaglaÂlaruang koponan nang igiya ang baguhang EA Regen Med sa 83-58 panalo sa Hog’s Breath sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Naisuot ng 6’6 center na si Sangalang ang uniporme ng bagong koponan nang pumayag ang NLEX na pakawalan ito.
May 12 puntos si SanÂÂgaÂlang upang may maÂkaÂtuwang si dating San SeÂbastian gunner Jimbo Aquino na tumapos taglay ang 23 puntos para sa Delta.
“Maganda ang start namin at nag-click ang depensa,†wika ni coach Allan Trinidad na siyang humalili sa puwesto ni Vergel Meneses na dinaluhan ang graduation sa high school ng kanyang anak na si Rica.
Si Sangalang ay daÂting manlalaro ng Road Warriors at ang kanyang paglisan ay naramdaman uli ng tropa ni coach Boyet Fernandez na lumasap ng ikalawang sunod na pagtalo sa kamay ng Cebuana Lhuillier 64-71.
“Player naman talaga ni Mayor Dennis Pineda si Ian kaya ibinigay na siya ng management,†wika ni Fernandez na sisikaÂping gawin ang lahat ng makakaya para maipanalo ang koponan na apat na sunod na kampeon ng liga.
Wala rin si 7-footer Greg Slaughter upang mawalan ng puwersa sa ilalim ang NLEX na humugot ng 14 puntos at 11 boards kay Eric Camson.
Si Gabriel Banal ang naÂmuno sa Gems sa kanÂyang 16 puntos, 14 rebounds at 3 blocks para maiangat ang karta sa 2-1.
Ang Shakers na huÂmabol mula sa 22-puntos pagkakalubog bago tinalo ang Gems, ay nangibabaw sa Blackwater Sports, 95-91, sa double-overtime para hawakan ang solo liderato sa 3-0 karta.
Binuksan ng Elite ang ikalawang overtime sa bisa ng 8-2 bomba para iwanan na ang Elite na lumasap ng unang pagkatalo matapos ang dalawang dikit na panalo.
- Latest