Ubos ang Pinoy sa Mitsubishi netfest
MANILA, Philippines - Wala sa magandang kondisyon si Jurence Mendoza upang lumasap ng ‘di inaasahang 6-4, 3-6, 2-6, pagkatalo kay French qualifier Alexandre Muller sa pagpapatuloy kahapon ng 24th Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Championships kahapon sa Rizal MeÂmorial Tennis Center.
Ang naunang matibay na laro sa first set at sa unang dalawang laro sa second set na kanyang naipanalo ay naglaho nang atakihin ng cramps ang kaliwang binti ni Mendoza.
Bumagal ang kilos nito at agad na kinapitalisa ito ni Muller para makuha ang panalo sa ninth seed sa larong tumagal ng dalawang oras at 36 minuto.
“Matapos kong hawakan ang 2-0 sa second set ay naramdaman kong tumigas na ang hita ko. But let’s give credit to him, dahil mas fit siya sa akin,†pahayag ng 16-anyos na si Mendoza na noong nakaraang taon ay umabot sa semifinals.
Unang pagkakataon na tumapak ng Pilipinas si Muller na umabante sa third round laban sa unseeded ding si Mehdi Abid ng Tunisia matapos ang 6-4, 6-4, upset panalo kay seventh seed Lucas Miedler ng Austria.
Ang isa pang Pinoy na si Alberto Lim ay namahinga na rin matapos ang 6-7 (5), 6-7 (3) pagyukod kay 14th seed Duck Hee Lee ng Korea.
Minalas ang 13-anyos na si Lim na hindi nakuha ang break sa krusyal na tie-breaks upang mabigong sundan ang unang panalo sa isang Grade I event laban kay Ronan Joncour ng France, 6-2, 3-6, 6-2.
Tuluyang nagwakas ang laban ng Pilipinas dahil ang nalalabing Filipina netter na si Maika Jae Tanpoco ay natalo kay top seed Ipek Soylu ng Turkey, 3-6, 1-6.
- Latest