NU Pep Squad may puntirya sa 75th UAAP Cheerdance competition
MANILA, Philippines - Hindi lamang sa iba’t ibang sports disciplines nais umangat ang National University.
Sa susunod na linggo pa pormal na matatapos ang 75th season ng UAAP pero ngayon pa lamang ay may balak na ang NU na agawin ang titulo sa UAAP Cheerleading competition.
“Very serious po talaga kami sa aming plano,†wika ni coach Ghicka Bernabe.
Mataas ang morale ng NU Pep Squad dahil sila ang hinirang bilang kampeon sa National Cheerleading Championships na naidaos kamakailan sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ito lamang ang ikalawang taon ng paglahok ng paaralan sa kompetisyon pero hindi ito dahilan para hindi makuha ang tinarget na kampeonato matapos umani ng 331 puntos.
Tinalo ng NU na puÂmangatlo noong 2012, lang 4-time champion Central Colleges of the Philippines na mayroong 327 puntos lamang habang ang seven-time NCAA champion University of Perpetual Help ang pumangatlo sa 288.5 puntos.
“Start pa lang ito, and we are looking forward to the UAAP. Kung napa-wow sila last year, mas maÂpapa-wow sila this year,†garantiya ni Bernabe.
Para mas mapalakas ang ipanlalabang koponan, maghahanap pa ang NU ng talento sa ibang lugar sa bansa.
“It’s going to be a tough job. Everybody wants to be number one, pero papunta na kami roon. We will not stop, we want to be the best,†pahabol ng team manager na si Pocholo Chunsim.
Sa nakalipas na UAAP Cheerdance, ang NU ay tumapos sa pangatlong puwesto kasunod ng eight-time champion UP at FEU.
Pero sa ipakikitang determinasyon, hindi malaÂyong mangagat din ang NU sa larong ito.
- Latest