^

PSN Palaro

Bornea, Marcial susuntok sa ginto

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng mga subok na sa World Championships na sina Eumir Felix Marcial at Jade Bornea ang kanilang mataas na estado nang manaig sa hiwalay na katunggali para umabante na sa Finals sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships kahapon sa Subic Gym.

Pinaluhod ni Marcial sa second round ang panlaban ng Uzbekistan na si Anvar Turamov para ka­tampukan ang 17-10 pa­nalo sa semifinals ng 64kgs. sa light wel­­terweight division.

Lamang lang ng isang puntos, 5-4, si Marcial matapos ang unang round pero nanumbalik sa se­cond round ang kanyang lakas dahil na rin sa suporta ng tao para ilayo na ang sarili sa 12-8.

“Napagod ako sa first round dahil bira ako nang bira. Pero nabuhayan ako sa second round dahil naririnig ko ang sigaw ng mga Filipino. Suntok, Pilipinas ang naririnig ko at ito ang nakatulong para maka­bawi ako ng lakas,” wika ng 17-anyos na si Marcial na noong 2011 ay nanalo ng ginto sa World Junior Championships.

Naunang iwinagayway ni Bornea ang bandila ng Pilipinas nang kunin ang 17-10 panalo laban kay Shatlykmrat Myradov ng Turkmenistan sa light flyweight division.

Sabayan agad ang dalawa sa first round pero nanalo sa palitan ang 17-anyos tubong Ge­neral Santos City na umani ng bronze sa 2012 World Youth Championships.

“Hinusayan ko dahil isang araw na lang ang labanan. Malaking tulong ang suporta ng mga manonood at sana patuloy nila ka­ming suportahan hanggang bukas,” pahayag ni Bornea.

Sunod na katunggali ni Bornea ay ang mana­nalo sa pagitan nina Lalitha Polipalli ng India at Kosei Tanaka ng Japan habang ang mananalo kina Hikaru Okishima ng Japan at Batzorig Otgonjorgal ng Mongolia ang kalaban ni Marcial sa Finals ngayong hapon.

Dalawa pang lahok ng host country na sina flyweight Ian Clark Bautista at lightweight James Palicte ang nagtangka pa ng puwesto sa Finals kagabi.

Kalaban ni Bautista si Masaya Kobayashi ng Japan habang kasukatan ni Palicte si Norobal Otgontumuk ng Mongolia.

ANVAR TURAMOV

ASIAN CONFEDERATION YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS

BATZORIG OTGONJORGAL

BORNEA

EUMIR FELIX MARCIAL

HIKARU OKISHIMA

IAN CLARK BAUTISTA

MARCIAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with