Casimero, Rios kapwa nangako ng panalo
MANILA, Philippines - Kapwa nangako ng panalo sina Filipino world light flyweight champion Johnriel CaÂsimero at Panamanian challenger Luis “Pan Blanco†Rios para sa kanilang salpukan sa Marso 16 sa Megapolis Convention Center ng Hard Rock Hotel Panama.
Ito ang inihayag nina Casimero at Rios sa kanilang press conference kahapon.
“I feel much respect for Rios, but I came to Panama to win. I will retain my title,†sabi ng 23-anyos na si Casimero, idedepensa ang kanyang suot na International Boxing Federation crown kontra sa 22-anyos na si Rios.
Sinabi naman ni Rios, kamakailan ay binigyan ng “Best National Boxer of the Year Award†ng Panama Boxing Commission (COMIBOX), na pipilitin niyang agawin kay Casimero ang hawak nitong titulo.
“I have worked so hard to become the boxing world champion,†wika ni Rios sa kanyang paghahamon sa tubong Ormoc City, Leyte na si Casimero.
Matagumpay na naipagtanggol ni Casimero ang kanyang hawak na IBF light flyweight title kontra kay Mexican challenger Pedro Guevara via split decision noong nakaraang taon sa Centro de ConÂvenciones sa Mazatlán, SiÂnaloa, México.
Kasalukuyang tangan ni Casimero ang 17-2-0 win-loss-draw ring record kaÂsama ang 10 KOs laban kay Rios (18-1-1, 13KO’s).
Mapapalaban din si John Mark “Iceman†Apolinario ng Maasin, Sarangani kontra kay dating two-division world champion Roberto “La Araña†Vasquez ng Panama para sa WBA interim bantamweight title.
- Latest