Bryant ‘di na makakalaro sa Playoff: Lakers minalas
ATLANTA--Gagawin ng Los Angeles Lakers ang kanilang kampanya para sa playoffs nang wala si Kobe Bryant.
Ito ay matapos makalasap ang Los Angeles star ng isang sprained left ankle injury sa 92-96 kabiguan ng Lakers sa Atlanta Hawks noong Miyerkules ng gabi.
Ang pagkatalo ng LaÂkers ang tumapos sa kaÂnilang four-game winning streak at ikatlo lamang nila sa huling 12 laro.
Tumirada si Bryant ng isang baseline jumper sa huling tatlong segundo sa fourth quarter, ngunit sa kanyang pagbaba ay naapakan niya ang paa ni Dahntay Jones ng Hawks.
Namilipit sa sakit si Bryant, ngunit walang itiÂnaÂwag na foul kay Jones.
Isinalpak ni Kyle Korver ang dalawang free throws para selyuhan ang panalo ng Atlanta kontra sa Los Angeles.
Habang negatibo ang kanyang mga X-rays, maaaring hindi makalaro ang 16-year veteran sa karamihan ng asignatura ng Lakers.
Sinisi rin niya si Jones.
“First and foremost, the officials really need to protect shooters,’’ sabi ni Bryant. “You just can’t go into shooters. That’s a dangerous play.’’
Sa Philadelphia, umiskor si LeBron James ng 27 points para pangunahan ang Miami Heat sa kanilang pang-20 sunod na panalo mula sa 98-94 pagtakas sa Philadelphia 76ers noong Miyerkules ng gabi.
Ang Heat ang naging ikaapat na koponan na nagtala ng 20 o higit pang sunod na tagumpay sa isang season.
Tatlong koponan lamang ang nakapagposte ng 20 o higit pang sunod na panalo sa isang season.
Ito ay ang 1971-72 Los Angeles Lakers (33), ang 2007-08 Houston Rockets (22) at ang 1970-71 Milwaukee Bucks (20).
Nanalo ng 20 sunod ang Washington Capitols mula sa dulo ng 1947-48 season hanggang sa siÂmula ng 1948-49 campaign.
Nagdagdag naman ng 21 points si Dwyane Wade para sa Miami.
Si Wade ang nagbigay ng mahahalagang puntos para sa Heat sa huling dalawang minuto sa fourth quarter.
Ang tip in ni Wade mula sa mintis ni James ang nagbigay sa Miami ng isang three-point lead sa natitirang 29 segundo para tuluyan nang talunin ang Sixers.
Nauna nang tinalo ng Miami ang Atlanta noong Martes bago isinunod ang Philadelphia.
- Latest