Viloria nasa kundisyon na
MANILA, Philippines - Matindi na ang ginagaÂwang preparasyon ni unified world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria para sa pagdedepensa niya ng kanyang dalawang titulo laban kay Mexican challenger Juan Francisco Estrada.
Sinabi ni Viloria na naÂsa maganda na siyang kondisÂyon matapos ang magkakasunod na araw na pag-eensayo niya sa ilalim ni Filipino trainer Marvin Somodio sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.
Nakaka-sparring ni Viloria si Chinese two-time Olympic Games gold meÂdalist at three-time World Championship gold medal winner Zou Shiming na lalaban din sa Abril sa isang non-title, bantamweight bout para sa kanyang unang professional fight.
Nakatakdang itaya ni Viloria ang kanyang mga suot na World Boxing Organization at World Boxing Association flyweight titles kontra kay Mexican challenger Juan Francisco Estrada sa Abril 6 sa Venetian Resort Hotel sa Macau..
Matagumpay na naiÂpagtanggol ni Viloria ang kanyang WBO belt laban kay Mexican Omar Niño Romero (31-5-2, 13 KOs) mula sa isang ninth-round TKO win noong Mayo 13, 2012.
Inagaw ni Viloria kay Mexican Hernan ‘Tyson’ Marquez (34-3-0, 25 KOs) ang hawak nitong WBA crown sa pamamagitan ng isang tenth-round TKO win noong Nobyembre 17, 2012 sa LA Sports Arena sa Los Angeles.
- Latest