^

PSN Palaro

San Miguel rumesbak sa Dragons

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipakita rin ni Matt Ro­gers ang kanyang kalidad habang ang birthday boy na si Asi Taulava ang kumuha sa puwestong iniwan ni Gabe Freeman at ang San Miguel Beer ay lumagok ng 77-66 panalo sa Westports Malaysia Dragons sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tumapos si Rogers bitbit ang 21 puntos, 10 rebounds at 3 blocks para ibigay ang hanap na pu­wersa ng Beermen habang si Taulava na nagdiwang ng kanyang ika-40 na ka-arawan, ay nagbigay ng liderato sa koponan sa kanyang 10 rebounds, 7 assists, 6 na puntos at tig-isang steal at block.

May 21 puntos din si Chris Banchero at ang tropa ni coach Leo Austria ay nakaganti sa Dragons at naitala ang kauna-unahang back-to-back wins sa liga tungo sa 5-3 karta.

Sa ikalawang yugto gumana ang laro ng Beermen upang ang 19-20  iskor sa unang yugto ay naging 36-30 sa halftime.

Lalong nanalasa ang home team sa ikatlong period at ang dunk ni Taulava ang naglayo sa koponan sa 57-42.

Nanakot ang tropa ni coach Ariel Vanguardia na nakauna sa head-to-head ng dalawang koponan sa 82-76 sa Malaysia, at isang 7-0 bomba ang nagdikit sa apat, 62-58.

Ngunit gumanti ang Beermen ng 13-2 run sa pamumuno nina Rogers, Taulava at Banchero para ibalik sa 15 ang kalama­ngan, 75-60, at ipalasap sa Dragons ang ikalimang kabiguan sa 9 na laro.

 

ARIEL VANGUARDIA

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHRIS BANCHERO

GABE FREEMAN

LEO AUSTRIA

MATT RO

TAULAVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with