^

PSN Palaro

PTA pili at palaban sa medalya ang isasabak na jins sa Myanmar SEA Games

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagamat binawasan ang mga events para sa 27th Southeast Asian Ga­mes sa Disyembre, magpapadala pa rin ang Philippine Taekwondo Association ng koponang malaki ang potensyal na makapag-uwi ng gintong medalya mula sa Myanmar.  

Mula sa  24 produkto ng Carlos Palanca Jr. championships na magsasanay para sa world championships sa Hulyo, pipili ang PTA ng anim sa men’s at anim sa women’s divisions.

Sinabi ni coach Dindo Simpao, miyembro ng national coaching staff sa SCOOP sa Kamayan, na ang dalawa sa apat na gold medalists sa nakaraang 2011 SEA Games sa Indonesia ay kasama sa koponang isasabak sa Myanmar.

Ito ay sina Joseph Paul Lizardo, nagwagi sa men’s 58-kilogram Kyorugi, at si Elaine Alora, nagreyna sa women’s 62-kg. Kyorugi.

Hindi naman makaka­laro sa Myanmar SEA Ga­­mes si gold medalist Camille Manalo dahil sa kanyang injury.

Ang national coaching staff ay kinabibilangan nina Simpao, Noel Veneracion, Rocky Samson at poomsae mentors Tem Igor at Stephen Fernandez.

“The bottom line, as we’ve been instructed, is to form the strongest teams possible in order to help the national delegation lessen the impact of the scrapping and adding of many events in this year’s SEA Games calendar,” ani Simpao.

 

 

vuukle comment

CAMILLE MANALO

CARLOS PALANCA JR.

DINDO SIMPAO

ELAINE ALORA

JOSEPH PAUL LIZARDO

KYORUGI

MYANMAR

NOEL VENERACION

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

ROCKY SAMSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with