^

PSN Palaro

Paeng muling pinarangalan ng Guinness

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkaka­taon ay muling hinirang ng Guinness World Record si Filipino sports legend Paeng Nepomuceno matapos itaas ang kanyang career titles sa 124 mula sa dating 118.

 Ilan sa mga titulong idinagdag kay Nepomuceno ay ang 2008 South Pacific Classic sa Melbourne, ang 2010 Bowling World Cup National Finals at ang 2011 Philippine International Open.

Si Nepomuceno, tinalo ang kasalukuyang world champion two-handed bowler na si Jason Belmonte sa South Pacific Classic finals, ang tanging foreign athlete na nagkampeon ng dalawang beses sa nasabing torneo.

Si Nepomuceno rin ang tanging pinakabatang naghari sa Philippine Inter­national Masters champion sa edad na 17-anyos noong 1974 at 54-anyos noong 2011. 

Hindi pa rin nababasag ang tatlong Guinness World Records ni Paeng.

 Ang kanyang dalawang World Guinness Records ay para sa pinakabatang world bowling champion sa edad na 19-anyos nang manalo siya sa Bowling World Cup sa Teheran, Iran noong 1976 at ang ikalawa ay ang pagkakampeon niya ng tatlong world titles sa tatlong magkakaibang dekada.

BOWLING WORLD CUP

BOWLING WORLD CUP NATIONAL FINALS

GUINNESS WORLD RECORD

GUINNESS WORLD RECORDS

JASON BELMONTE

PAENG NEPOMUCENO

SI NEPOMUCENO

SOUTH PACIFIC CLASSIC

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with