^

PSN Palaro

Overall championship sa seniors selyado na pormalidad na lang sa La Salle

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa pormal na natatapos ang tagisan sa UAAP 75th season pero ngayon pa lamang ay sel­yado na ng La Salle ang overall championship sa seniors division.

May aksyon pa sa softball, baseball, football, lawn tennis at volleyball pero wala nang silbi ang magi­ging resulta nito dahil hindi na rin makakahabol ang UST na binalak sa taong  ito na kunin ang ika-15 sunod na overall title.

Ang pagkapasok ng La Salle sa Finals ng women’s volleyball ang tumapos sa paghahabol ng Tigers na palaban pa sa titulo sa men’s at women’s lawn tennis.

Sa unofficial overall tally, ang UST ay may nalikom na 253 puntos matapos ang paglahok sa 14 sa 15 na sports disciplines sa kalalakihan at kababaihan na pinaglalabanan sa liga.

Sa kabilang banda, may 251 puntos ang La Salle ngunit nasa Finals ang mga entrada ng kopo­nan sa women’s volleyball, football at lawn tennis.

Binibigyan ng kaukulang puntos ang puwesto ng pagtatapos ng mga koponan sa bawat event at sakaling kunin ng UST ang dalawang titulo sa lawn tennis, tungo sa tig-15 puntos, tatapusin nila ang labanan bitbit ang 283 puntos.

Ngunit ang pinagsamang tatlong runner-up na pagtatapos ng Lady Archers sa volleyball, football at lawn tennis ay sapat na para manalo sila sa overall.

Binibigyan ng 12 puntos ang mga koponang papa­ngalawa sa bawat laro at ang tatlong second place finishes ay magreresulta sa 36 puntos na magtutulak sa La Salle tungo sa nangu­ngunang 287 puntos.

Ito ang kauna-unahang overall title ng La Salle sa­pul nang sumali sa UAAP noong 1986-87 season.

Kampeon sila sa taong ito sa women’s chess, women’s table tennis, wo­men’s taekwondo habang pumangalawa sila sa women’s basketball, men’s swimming, men’s table tennis at men’s taek­wondo.

 

BINIBIGYAN

KAMPEON

LA SALLE

LADY ARCHERS

NGUNIT

PUNTOS

SHY

TENNIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with