^

PSN Palaro

PRO XRM nakataya sa Honda Moto Series

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagong PRO XRM na gawa ng Honda bukod pa sa premyo at tropeo ang paglalaba­nan ng mga pambato sa  moto­cross sa gaganaping limang leg ng 2013 Honda Motocross Series.

Kumbinsido naman si Samuel Mark Tamayo, race director at pangulo ng Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co., na siyang nasa likod ng serye ng karera, na dudumugin ng mga riders ang kanilang pakarera matapos ang pagkakasundo ng mga  malalaking tao sa industriya nang ilarga ang unang leg noong Pebrero 17 sa Motocross Messiah Fairgrounds, Club Manila East sa Taytay, Rizal.

“Ang mga hindi magkasundo na riders ay nagkasama-sama sa pakarera dahil naniniwala sila sa adhikain na pasiglahin uli ang motocross sa bansa,” wika ni Tamayo na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama si Honda Philippines advertising supervisor Lloyd Garces.

Nanguna sa nanalo noong Linggo ay si Glen Aguilar na kampeon sa Pro Open Production at ang anak na si MClean na dinomina ang Kids Senior at naging mahigpit na kalaban ni Glen sa Pro Open.

Ang ikalawang leg ay gagawin sa Marso 3 kasunod ng tagisan sa Marso 10, Abril 7 at 28. Ang lalabas bilang pinakamahusay sa Pro Open Production at Open Underbone ang tatanggap ng bagong motor at P15,000.00 unang gantimpala.

 

CLUB MANILA EAST

GLEN AGUILAR

HONDA MOTOCROSS SERIES

HONDA PHILIPPINES

KIDS SENIOR

LLOYD GARCES

MARSO

MOTOCROSS MESSIAH FAIRGROUNDS

PRO OPEN PRODUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with