Asam na unang titulo sa UAAP Baseball ipinagkait NU batters dinismaya ang Eagles
MANILA, Philippines - Nagpakawala ng tatlong mahahalagang runs ang nagdedepensang kampeon na National University sa kanilang huling palo upang tabunan ang dalawang runs na kalamangan ng Ateneo tungo sa 9-8 tagumpay sa Game Two ng UAAP baseball finals kahapon sa Rizal Memorial Ballpark.
Sina Mark Lumbres at Jhondel Tolosa ay bumanat ng standing double habang si Russell Dela Cruz ang kumuha ng winning single para bumangon ang Bulldogs mula sa 6-8 iskor matapos ang pitong innings.
“Ito ang sinasabi ko na hangga’t hindi pa nakukuha ang ikatlong out, hindi pa tapos ang laban. May tiwala ako sa mga batters ko at ang krusyal lang dito ay ang makatuntong si Mar (Lumbres) dahil papasok kami sa batting order,†wika ni NU coach Isaac Bacarisas.
Tabla ngayon sa 1-1 ang dalawang koponan at muli silang magtutuos sa Biyernes sa ganap na alas-12 ng tanghali para malaman kung sino ang hihiranging kampeon ng edisyon.
Masakit na pagkatalo ito sa Ateneo na namuro na hawakan ang kauna-unahang titulo sa baseball matapos lumayo sa 6-1 matapos ang 2 ½ inning at 8-6 sa seventh inning.
Binasag ng Solo homerun ni Matt Laurel ang 6-all iskor sa sixth habang isang run-single si Gab BaÂgamasbad ang nagpaÂlawig sa dalawa ang kalamangan ng Eagles.
Tiwala rin ang mga paÂnatiko ng Eagles na manalo dahil sa solidong pagpukol ni relief pitcher Miguel Salud.
Pero bumigay si Salud sa huling palo ng NU at ang leadoff walk kay Marcial Gante ang nagbago ng takbo sa laro.
Lumapit naman ang Adamson sa ikatlong sunod na titulo sa softball sa pamamagitan ng 6-2 tagumpay sa NU.
Samantala, gagawin sa ganap na alas-2 ng hapon ang playoff sa hanay ng UST at National University para sa huling tiket sa women’s volleyball.
Sa The Arena sa San Juan City masisilayan ang tagisan at ang mananalo ang siyang makakaharap ng nagdedepensang La Salle na may twice-to-beat sa Final Four.
Magtutuos sa isa pang laro ang Lady Eagles at Lady Falcons.
- Latest