^

PSN Palaro

Aksyon ng Pinas sa SEAG, pinulaan ng Malaysia

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May ibang sports events ang puwedeng lahukan ng Pilipinas upang maging palaban pa rin sa 27th SEA Games na gagawin sa Myanmar mula Disyembre 11 hanggang 22.

Ito ang winika ni Olympic Council of Malaysia (OCM) Honorary secretary Datuk Sieh Kok Chi na dinepensahan din ang host sa aksyon na ginawa lalo na patungkol sa pagpili ng mga larong gagawin sa torneo.

“Myanmar had only listed a few types of traditional sports and the Philippines can still participate in many other sports,” wika nito sa panayam ng Bernama news.

Nagtataka rin si Kok Chi kung bakit may mga ban­sang umaalma sa hakbang ng Myanmar gayong matagal na umano ginagawa ang bagay na ito. Tinuran niya na  may ipinasok ding sports noong isinagawa ang laro sa Pilipinas, Thailand at kahit sa Indonesia.

Ang Pilipinas ay isa sa mga umaalma sa pagkakaalis ng mga larong malakas ang bansa at pinalitan ng mga larong patok sa Myanmar. Dahil nararamdamang talo na kahit hindi pa nagsisimula ang aksyon, balak ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee na magpadala lamang ng limitadong bilang ng atleta  sa SEAG.

Ang aksyon ito, ani ni Kok Chi, ay patunay lamang na mahina na ang sports program ng bansa.

Sa halip na magreklamo, dapat na lamang na su­portahan ang hosting ng Myanmar dahil nais din ng nasabing bansa na umunlad uli ang palakasan sa kanilang lugar.

 

ANG PILIPINAS

BERNAMA

DATUK SIEH KOK CHI

KOK CHI

MYANMAR

OLYMPIC COUNCIL OF MALAYSIA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with