Ex-world champion pinaboran si Donaire vs Rigondeaux
MANILA, Philippines - Bagamat inaasahan niÂyang magiging dikdikan ang laban, pinapaboran pa rin ni dating world two-division champion Juan Manuel Lopez na manalo si unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. kontra kay Cuban titlist Guillermo Rigondeaux sa Abril 13.
Ayon kay Lopez (32-2-0, 29 KOs), mahihirapan si Donaire (31-1-0, 20 KOs) kay Rigondeaux (11-0, 8 KOs).
“It is a thought fight for both guys. Rigondeaux is a great fighter with good skills, very technical,†ani Lopez sa Cuban two-time Olympic Games gold meÂdaÂlist winner at ang kasaluÂkuyang World Boxing Association king.
Ngunit nararamdaman naman ni Lopez na si Donaire, ang may suot ng World Boxing Organization at International Boxing FeÂderation titles, ang mananalo sa huli.
“I feel this is Nonito’s time and that he will win a dominating decision. I would be willing to fight him at 128 pound afterwards,†sabi ni Lopez kay Donaire.
Ilalatag ng 30-anyos na si Donaire ang kanyang mga bitbit na WBO at IBF crowns, habang itataya naman ng 32-anyos na si Rigondeaux ang kanyang suot na WBA belt sa kanilang unification fight.
Wala pang opisyal na pahayag ang Top Rank Promotions kaugnay sa lugar na pagdarausan ng Donaire-Rigondeaux bout.
Kabilang sa mga nasa listahan ng Top Rank ay ang Radio City Music Hall sa New York, ang Home Depot Center sa Carson, California at ilang venue sa Texas kagaya ng Cowboys Stadium at Alamodome.
Sa Home Depot inagaw ni Donaire ng IBF super bantamweight crown ni South African Jeffrey Mathebula (26-4-2, 14 KOs) via unanimous decision noong Hulyo 17 at pinahinto sa ninth-round si Japanese superstar Toshiaki Nishioka (39-5-3, 24 KOs) noong Oktubre 13.
- Latest