^

PSN Palaro

Torres, Olarita umagaw ng eksena sa PRISAA

Pilipino Star Ngayon

LINGAYEN, Philippines--Umagaw ng eksena sina Calabarzon bet Noli Torres at Central Visaya pride Lorna Olarita sa PRISAA National Collegiate games kahapon kahit na lumayo ang CV sa medal tally.

Tumipa si Torres ng oras na 10.93 segundo para talunin si Zam­boanga Region pride Joseph Oswald Cabato (11.0.) sa men’s 100-meter dash sa Narciso Ramos Sports and Civic Center.

Bukod sa panalo ni Torres, nagwagi din si Marco Vilog sa men’s 1,500 meter run (4:06.2) maliban pa sa sinikwat na anim na gintong medalya sa swimming competition noong Martes sa paglapit ng Calabarzon sa CV.

Naglista ang Calabarzon ng 15 gold, 8 silver at 20 bronze medals para sa second place.

Hinirang naman si Ola­rita bilang pinakamabilis na babae nang magreyna sa century dash sa bilis na 12.8 segundo bukod pa ang pagwawagi sa women’s 400-m run.

Sa pinakahuling bilang, nagtala ang CV, ang overall champion noong nakaraang taon, ng 25 gold medals mula sa malakas na pagpapakita sa unang araw ng athletics kung saan nanaig sina Irin Ba­luran (women’s triple jump), Ernesto Ynabez (men’s triple jump) at Kennick Ali­bio (men’s shotput).

 

CALABARZON

CENTRAL VISAYA

ERNESTO YNABEZ

IRIN BA

JOSEPH OSWALD CABATO

KENNICK ALI

LORNA OLARITA

MARCO VILOG

NARCISO RAMOS SPORTS AND CIVIC CENTER

NATIONAL COLLEGIATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with