^

PSN Palaro

Tunacao magtatangka sa ika-2 titulo vs Japanese boxer

QH - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pitong Filino boxers pa lamang ang nakaukit sa talaan bilang mga na­ging world champions sa dalawang magkakaibang dibisyon.

Ang mga ito ay sina Manny Pacquiao, Nonito Donaire Jr., Brian Viloria, ang magkapatid na sina Gerry at Dodie Boy Peña­losa, Donnie Nietes at Lui­sito Espinosa.

Ang talaan ay posibleng madagdagan sa Abril 8 sa katauhan ni Malcolm Tunacao na babanggain ang WBC bantamweight champion na si Shinsuke Yamanaka ng Japan

Gagawin ang labanan sa Kokugikan, Tokyo at si Tunacao ay magtatangka na makatikim uli ng world title na unang nangyari noong Mayo 19, 2000 nang talunin sa pamamagitan ng se­venth round KO si Medgeon Singsurat ng Thailand.

“Hindi na ako bumabat­a at maaaring hindi na ma­bigyan ng ganitong pagkakataon kaya mataas ang morale ko sa laban,” wika ni Tunacao na naisuko ang hawak na titulo kay Pongsaklek Wonjongkam ng Thailand din noong Marso 2, 2001.

Hindi naman maninibago si Tunacao sa laban na gagawin sa Japan dahil ikalawang tahanan na niya ito kasunod ng Pilipinas.

Alam din niya ang ikini­kilos ni Yamanaka dahil minsan na siyang umakto bilang sparmate nito kaya’t may idea siya kung paano lalaban ang 30-anyos na kampeon na may ring record na 17 panalo sa 19 laban kasama ang 12KO.

Kinuha niya ang bakanteng titulo nang talunin si Christian Esquivel ng Me­xico bago naidepensa ang kampeonato kontra kina Vic Darchinyan at Tomas Rojas noong nakaraang taon.

Ang 35-anyos na si Tunacao na mayroong 32 panalo sa 37 laban at 20KOs ay nanalo kay Esquivel sa isang WBC eliminator para makuha ang karapatang lumaban sa titulo.

BRIAN VILORIA

CHRISTIAN ESQUIVEL

DODIE BOY PE

DONNIE NIETES

MALCOLM TUNACAO

MEDGEON SINGSURAT

SHY

TUNACAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with