Paiimbestigahan ng PBA: Gulo sa laban ng Aces-Boosters
MANILA, Philippines - Humugot si Ronald Tubid ng 11 sa kanyang 14 points sa third period upang pangunahan ang Petron Blaze sa 100-93 panalo laban sa Alaska at angkinin ang korona ng 2013 Sinulog Cup sa larong muntik nang magkagulo noong Sabado ng gabi sa Cebu City Coliseum.
Umiskor din si Tubid ng siyam sa pinakawalang 14-3 atake ng Boosters patungo sa paggupo sa Aces sa nasabing four-team pocket tournament.
Ang step-back three-point shot ni Tubid kontra kay Alaska rookie forward Calvin Abueva ang nagbiÂgay sa Petron ng isang 12-point lead, 77-65, papasok sa final canto.
Nakipagsagutan si Abueva kina Tubid at Jay Washington na nasundan ng komprontasyon nina Alaska assistant Louie Alas at Petron deputy Biboy Ravanes makaraan ang pang iinis ng Aces kay Boosters’ import Renaldo Balkman.
“It appeared to be their game plan, trying to get Calvin out of focus. Nawala nga si Calvin dahil naasar. But it’s part of the game. Tingin ko nga kulang pa yung physicality,†wika ni aces mentor Luigi Trillo.
Ayon sa PBA CommisÂsioner’s Office, magsasaÂgawa sila ng imbestigasyon kaugnay sa naturang kaguluhan.
“Though it happened during the league break, I think Commissioner (Chito) Salud would want to know what exactly happened,†sabi ni PBA media bueareu chief Willie Marcial.
Pinalobo pa ng Petron ang kanilang kalamangan sa 80-67 mula sa isang three-point play ni Dorian Peña bago muling ilapit nina Abueva at JVee Casio ang Alaska sa 86-91 agwat.
Huling nakalapit ang Aces sa 89-93 buhat sa isang three-pointer ni Cyrus Baguio kasunod ang tres ni Washington at 3-point play ni Balkman upang ibigay sa Boosters ang 99-89 abante sa natitirang 42 segundo.
Tumapos ang 6-foot-9 na si Balkman na may game-high 31 points upang kumpletuhin ng Petron ang isang three-game sweep sa torneong nilahukan din ng Ginebra at M. Lhuillier Kwarta Padala.
Nakakuha naman ang Alaska ng 30 points kay 6’9 import Robert Dozier kasunod ang 17 ni Abueva at 15 ni Baguio.
Humanga rin si Trillo sa ipinakitang husay ng Boosters at sinabi nitong ang naturang koponan ang isa sa dapat bantayan sa pagbubukas ng 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Pebrero 8 sa Smart-Araneta Coliseum.
- Latest