Viloria unang mapapalaban sa Macau vs Estrada
MANILA, Philippines - Bago si Manny Pacquiao ay si unified world flyÂweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria muna ang lalaban sa Macau para sa kanyang pagdedepensa sa Abril 6.
Nakatakdang labanan ni Viloria si Mexican challenger Juan Francisco Estrada para ipagtanggol ang suot niyang World Boxing Organization at World Boxing Association flyweight titles sa Macau S.A.R. Sa China.
Kasalukuyang bitbit ng 32-anyos na si Viloria ang kanyang 32-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 knockouts, samantalang tangan ng 22-anyos na si Estrada ang kanyang 22-2-0, 18 KOs) card.
Matapos ang pagdedepensa sa kanyang WBO crown laban kay Mexican Omar Niño Romero (31-5-2, 13 KOs) mula sa kanyang ninth-round TKO win noong Mayo 13, 2012.
Inagaw naman ni Viloria kay Mexican Hernan ‘Tyson’ Marquez (34-3-0, 25 KOs) ang suot nitong WBA belt mula sa isang tenth-round TKO win noong Nobyembre 17, 2012 sa LA Sports Arena sa Los Angeles, California.
Kasalukuyan nang nag-eensayo si Viloria, apat na Mexican boxers ang tinalo sa kanyang huling apat na laban, para sa kanyang unang title defense ngayong taon.
Nanggaling naman si Estrada sa kabiguan nang matalo kay Mexican WBA light flyweight titlist Roman ‘Chocolatito’ Gonzales (34-0-0, 28 KOs) via unanimous decision noong Nobyembre 17, 2012.
- Latest





















