^

PSN Palaro

Nagbunga ang programa ng LPGMA-American Vinyl

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang katotohanang sa LPGMA-American Vinyl nanggaling ang kampeon ng Ronda Pilipinas ang magsasabing matagumpay ang isinusulong na prog­rama ng koponan.

Si Irish Valenzuela na skipper ng koponang pag-aari  nina Partylist Congressman Arnel Ty at negosyanteng si Eric Sy, ang siyang nagdomina sa16-stage, 21-day karera sa individual race sa nalikom na 55 oras, 18 minuto at 52 segundo.

Ito ang kauna-unahang titulo sa bikathon ni Valenzuela at ang panalo ang pumawi sa kabiguan ng LPGMA-AV na magdomina sa team race.

Sapul noong sumali sa malalaking pakarera sa bisikleta noong 2009, ang nasabing koponan ay nakapag-uwi ng apat na overall  title kasama ang 2011 edisyon ng Ronda Pilipinas.

“We’ve been targeting the individual title all along. This is a result o hard work, patience, team work and commitment of the riders, coaches and staff who all worked together for a common goal,” wika ni Ty.

Ang iba pang nakatulong ni Valenzuela ay sina Cris Joven, Rudy Roque at Edmundo Nicolas ay mga siklistang mula probinsya na binigyan ng pagkakataon na makasali sa malalaking karera ng ko­ponan.

Ang tubong Tabaco City, Albay ang lalabas na kauna-unahang Bikolano na nanalo sa multi-stage race matapos ni Renato Dolosa na nagdomina noong 1995.

 

AMERICAN VINYL

CRIS JOVEN

EDMUNDO NICOLAS

ERIC SY

PARTYLIST CONGRESSMAN ARNEL TY

RENATO DOLOSA

RONDA PILIPINAS

RUDY ROQUE

SI IRISH VALENZUELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with