^

PSN Palaro

Tinalo ang CV Spikers, NCR-West napanatili ang Shakey’s T-of-C crown

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinamalas ng NCR-West ang puso ng isang kampeon nang kunin ang mahirap na 25-22, 26-24, 28-26, straight sets panalo laban sa Central Visayas at hiranging kampeon sa 10th Shakey’s Girls Volleyball Tournament-of-Champions na natapos kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Best-of-five ang finals at kahit hindi nasagad ito, bawat set ay dikitang pi­nag­labanan ng dalawang koponan pero ang nagde­depensang NCR-West na kinatawan ng Hope Christian High School ay nanaig sa mahahalagang puntos upang maiuwi ang ikalawang sunod na titulo at ikaapat sa ligang suportado ng Shakey’s at inorganisa ng Metro Sports.

“Marahil dahil dalawang laro ang hinarap ngayon at pagod na ang mga pla­yers. Pero lamang kami sa mental toughness at ang second six ko ay gumana,” wika ni champion coach Jerry Yee.

Si Desiree Cheng na graduating student, ay mayroong 14 puntos mula sa 13 hits at isang block habang si Chester Ong ay mayroong apat na blocks tungo sa walong hits.

Pero malaking papel ang nilaro ng mga pamalit na sina Vangie Encarnacion at Ronjean Momo lalo na sa third set na kung saan bumangon ang NCR-West mula sa 14-19 iskor para manalo.

Si Therese Ramas ay may 9 attack points para pangunahan ang Central Visayas na kinatawan ng Southwestern University.

Sina Shakey’s COO Vic Gregorio kasama ang PR and Events Officer Jam Evaristo at Freddie Ynfante ang siyang nanguna sa awarding ceremony na kung saan pinasalamatan ni Gregorio ang lahat ng sumuporta sa torneo.

Sa individual awards, si Cheng ang hinirang bilang Most Valuable Player at Best Blocker habang ang mga manlalaro ng Sou­thern Luzon na sina Regina Mangulabnan at Kristin Alejandre ang kinilala bilang Best Server at Receiver.

Sina Central Visayas volleybelles Angielou Castillo at Sheila Mae Bongon ang Best Setter at Attacker habang si Yee ang Best Coach.

vuukle comment

ANGIELOU CASTILLO

BEST BLOCKER

BEST COACH

BEST SERVER

BEST SETTER

CENTRAL VISAYAS

CHESTER ONG

EVENTS OFFICER JAM EVARISTO

FREDDIE YNFANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with