Wade binitbit ang Miami sa 4-dikit na panalo
MIAMI--Umiskor si Dwyane Wade ng 29 points at naging susi sa ratsada ng Miami Heat patungo sa kanilang pang-apat na sunod na panalo sa bisa ng kanilang 110-88 paggiba sa Detroit Pistons.
Sinimulan ni Wade ang laro na may 20.5 points per game, ang kanyang pinakamababang aveÂrage sapul noong kanyang rooÂkie season sa 2003-04.
Ngunit tumipa siya ng season-high 35 points noong Miyerkules sa kaÂnilang panalo kontra sa ToÂronto Raptors at may 23 sa first half laban sa Pistons.
“I’m just getting healÂthier,†wika ni Wade, nagkaroon ng left knee surgery noong Hulyo.
“I’m being more active. I feel in a lot better shape than I was early in the year. Lately I’ve been put in the right position to be aggressive,†dagdag pa niya.
Matapos ang kanilang nine-point deficit, inungusan ng Heat ang Piston sa scoring, 26-4, sa loob ng pitong minuto sa second quarter para kunin ang 60-47 kalamangan.
Humugot si Wade ng 15 points sa nasabing arangkada ng Miami.
“You can see the spring in D-Wade’s legs,†wika ni LeBron James.
Kumolekta si James ng 23 points, 7 rebounds at 7 assists para sa Heat.
- Latest