PNSA iiwan na ni Romero
MANILA, Philippines - Dahil sa dumaraming responsibilidad, nagdesisyon si businessman/sportsman Mikee Romero na ibigay na ang pagiging pangulo ng Philippine National Shooting AsÂsociation (PNSA).
Sa Pebrero 16 ay magdaraos ang asoÂsasyon ng halalan at si Romero ay nagÂdesisyon na huwag ng lumahok sa eleksyon.
Noong Hunyo, 2011 naupo si Romero bilang kahalili ng nagbitiw na pangulo na si Art Macapagal.
“I will be doing a disservice to the assoÂciation if I will continue to cling on my position while I’m out most of my time,†wika ng 41-anyos na si Romero.
Bukod sa abala sa negosyo na Harbour Centre, si Romero ay isa ring team owner sa PBA gamit ang Globalport at nais niyang bigyan din ito ng panahon upang makabangon sa second conference matapos magtala lamang ng isang panalo sa Philippine Cup.
Hindi naman iiwan ni Romero ang PNSA na walang ginawa dahil marami siyang naitulong upang gumanda ang takbo ng samahan.
Nailagay niya sa Marine Range ang kauna-unahang electronic target system na nakatulong sa pagsasanay ng national shooters.
Ang pagtutok at pangungumbinsi ni Romero kay Asian Shooting Federation president Shiek Salman ang nagbigay daan upang masama si shotgun shooter Brian Rosario sa London Olympics bilang wildcard.
Dahil sa magandang relasyon sa Southeast Asian Shooting Federation ay ibinigay nila sa Pilipinas ang hosting ng 2013 SEASA Shooting Championship.
Maayos din ang relasyon ng asosasÂyon sa POC at PSC habang napansin din ang Bench Rest rifle group upang dumami ang nahilig sa small bore (.22) at big bore (.223) rifle events.
Nangako naman si Romero na tutulong pa rin kahit wala na kung kakailaÂnganin ng mauupong administrasyon.
- Latest