Mahubaran ng Red Jersey Barnachea nanganganib
LAPU LAPU CITY, Cebu, Philippines --Isang matinÂding hamon ang sasagupain ni Navy-StanÂdard pride Santy Barnachea matapos ang two-day break sa pagpadyak ng LBC RonÂda Pilipinas 2013 sa mga bundok ng Cebu simula ngayong araw sa 134.2-km Stage Four.
Nangako si Barnachea, asam na maÂging unang two-time winner sa LBC Ronda Pilipinas, na pananatilihing suot ang red jersey sa ikatlong sunod na yugto ng karera matapos itong angkinin sa Zamboanga City-Ipil Stage Two.
“Napagod ako nang husto sa last three stages, mabuti na lang nagkaroon ng two-day break,†wika ni Barnachea, dalawang beses na nagkampeon sa Tour noong 2002 at 2006 bago pagharian ang inaugural edition ng LBC Ronda Pilipinas noong 2011.
Nabigo ang 36-anyos na si Barnachea na maidepensa ang kanyang 2011 Ronda title noong nakaraang taon.
Noong Lunes ay nagtangka si BarnaÂchea na takasan ang nangungunang gruÂpo sa Pagadian-Iligan Stage Three bago siya nahabol ngunit napanatili naman ang kanyang overall individual lead.
Nagtala siya ng 9 hours, 54 minutes at 19 seconds kasunod si Tomas Martinez ng Team Tarlac na may 9:56.20.
Inaasahan ni Barnachea na muli siÂyang sasabayan ni Martinez bukod pa kina Rudy Roque ng LPGMA-American Vinyl, LPGMA-American Vinyl riders Irish Valenzuela at Cris Joven, Navy-Standard recruit George Oconer at Joel Calderon ng Smart-V-Mobile.
Sina Roadbike Phl bet Ronald Gorrantes, Smart-V-Mobile rider Marcelo Felipe at Hundred Islands-Pangasinan pride Reynaldo Navarro ang dapat tutukan ni Barnachea.
- Latest