^

PSN Palaro

2 malalaking torneo idaraos ng ABAP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang malaking torneo ang isasagawa ng Ama­teur Boxing Associa­tion of the Philippines (ABAP) ngayong taon, ka­­sama na dito ang natio­nal championship, patu­ngo sa pamamahala sa Asian Youth tournament sa March sa Subic Bay Freeport Zone gym.

Ang Capitol Grounds sa Iba, Zambales, sa pakikipagtulungan sa provincial government sa pamumuno ni Gov. Hermogenes Ebda­ne Jr., ang magiging ve­nue ng PLDT-ABAP National Capital Region-Luzon Area tournament sa Enero 22-26.

Kabuuang 70 mula sa 80 boxers galing sa 15 boxing clubs at asosasyon ang inaasahang makiki­pag-agawan ng tiket para sa  PLDT-ABAP National Championships sa Pebrero.

 Ang national champion­ships ay gagawin sa Maasin, Southern Leyte sa Pebrero 17-23 kung saan pipili ang ABAP ng mga boksingerong ibibilang sa national team.

Ang mga best perfor­mers ng iba pang regional tournaments na idinaos sa Bago City (Visayas) at General Santos City (Min­danao) ang makikipagsabayan sa mga qualifiers mula sa Zambales tourney.

Ang Asian Youth Bo­xing Championship na idaraos sa Marso 10-17 sa Subic Bay ay may mga lahok buhat sa 20 top 25 countries.

ANG ASIAN YOUTH BO

ANG CAPITOL GROUNDS

ASIAN YOUTH

BAGO CITY

BOXING ASSOCIA

GENERAL SANTOS CITY

HERMOGENES EBDA

NATIONAL CAPITAL REGION-LUZON AREA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with