24th Andrada Cup Netfest: Ringia, Eala magpapaluan sa finals
MANILA, Philippines - Tinalo nina Janus RinÂgia at Michael Eala ang mga nakaharap upang itakÂda ang pagkikita sa finals sa boys’ 12-under sa 24th Andrada Cup kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Si Ringia na top seed sa dibisyon ay nangibabaw kay third seed Marcuis del Rosario, 6-2, 6-3, upang harapin si Eala na umukit ng 6-0, 6-2, panalo kay fourth pick Mark Alfred Directo.
Nanalo naman sina Bryan Otico at Emmanuel Vacalares Jr. kina Godfrey Seno, 1-6, 6-3 (10-5), at Sohaimen Mama, 6-4, 6-2, para sa kampeonato sa 14-under.
Nalusutan naman ni third seed Nicole Amistad ang unseeded na si Chloe Mae Saraza, 7-5, 6-2, para ikasa ang pagbangga sa top seed Roxanne Resma na binokya si Angelica Mosqueda, 6-0, 6-0, sa girls’ 16-under semifinals.
Namumuro si Resma na makadalawang titulo dahil nasa semifinals siya sa girls’ 18-under nang talunin si Khim Iglupas, 6-1, 6-1.
Tinalo ng second seed Maia Balce si Jade Capadocia, 6-3, 6-0, upang umabot na sa semis ng girls’ 16-under.
- Latest