UST wagi sa UE sa volley; Adamson malinis pa rin sa softball
MANILA, Philippines - Sapat ang lakas ng UST upang maigupo ang deÂterÂminadong laro ng UE sa pagbabalik-aksyon ng UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi naglaro si Maru Banaticla pero naroroon sina Mika Ortiz at Judy Caballejo upang makuha ang dikitang 26-24, 25-21, 25-23, panalo sa Lady Warriors.
May 16 puntos kasama ang 4 blocks ni Ortiz habang 10 puntos ang ginawa ni Caballejo at ang Lady Tigresses ay umangat sa 3-2 karta para manatiling matibay ang pagkakakapit sa mahalagang ikaapat na puwesto.
Nalaglag naman ang UE sa kanilang ikalimang sunod na pagkatalo pero nakuha nila ang respeto ng UST matapos nilang paÂhiÂrapan ito.
Samantala, nasungkit naman ng Adamson ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa softball sa paÂmamagitan ng 8-1 panalo laban sa University of the Philippines kahapon sa Rizal Memorial field.
Kumawala ng tig-apat na runs ang Lady Falcons sa bottom fourth at fifth inning at maisantabi ang unang run na kinuha ng Lady Maroons sa third inning na hatid ni Lily Marie Gonzales.
Hanap ng Adamson ang ikatlong sunod na titulo at ika-12 sa pangkalahatan sakaling manalo pa sa taong ito.
Dinurog ng UST ang La Salle, 11-2, upang manatili sa ikalawang puwesto sa 4-1 habang ang UE ay nanalo sa baguhan at host National University, 7-3.
- Latest