^

PSN Palaro

Naisahan ng Indonesia Warriors sa ABL League Beermen nanghinayang sa nakawalang pagkakataon

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Taon sana ang 2012 ng bagitong San Miguel Beermen sa ASEAN  Basketball League kung ‘di naunsiyami ng mas determinadong Indonesia Warriors.

Namuro na sa titulo ang Beermen matapos makauna sa best-of-three series pero inilabas ng Warriors ang ma­sidhing hangarin na maihanay ang sarili bilang kampeon ng liga matapos dominahin ang ikalawa at ikatlo at huling laro.

Pinakamarami ang bilang ng mga sumali sa regional basketball league sa ikatlong season dahil umabot sa walo ang naglaban.

Ang Beermen, Saigon Heat at Bangkok Cobras ang mga bagong koponan at sinamahan nila ang Patriots, Warriors, KL Dragons, Singapore Slingers at Chang Thai­land na sumabak sa triple-round elimination.

Sa pagtatapos ng 21-game elimination, nalagay ang Beermen sa unang puwesto habang ang ikalawang puwesto ay kinuha ng Patriots upang tumibay ang posibilidad na mapasakamay uli ng bansa ang kampeonato ng liga.

Ipinarada ng Beermen ang dating PBA imports na sina Duke Crews at Nic Fazakas at mahuhusay na locals sa pangunguna ni Leo Avenido, nagawang lampasan ang upset na hatid ng Malaysia  nang iuwi ang 78-76 ang Beermen sa deciding game.

Ang Patriots na pinangunahan nina Anthony Johnson at 2011 Best Import Nakiea Miller, ay anino lamang ng laro na naipakita sa eliminasyon nang durugin sila ng Warriors, 73-64 at 72-51.

Hindi biro ang lakas ng tropa ni coach Todd Purvis dahil nasa kanila ang mahuhusay na imports na sina Steve Thomas at Evan Brock bukod pa sa Fil-Am guard Stanley Pringle, Filipino guard Jerick Canada at 3-point shooter Allan Sanggalang at mahusay na Indonesian guard Mario Wuysang.

Ang panalo rin ng Warriors ay kanilang pagganti ma­tapos manalo ang Patriots sa Indonesia para hirangin bilang kauna-unahang kampeon ng liga.

Pinalakas ng Beermen ang tsansang maging rookie team na nagkampeon tulad ng Patriorts sa pamamamagitan ng 86-83 sa game one ng best of three finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pero ito na ang una’t huling tikim ng panalo ng Beermen dahil itinaas pa ng Warriors ang antas ng laro sa dalawang do or die game na hinarap.

Dinurog ng Warriors ang Beermen, 81-61,  sa game two bago inuwi ang 78-76 panalo sa game three.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Beermen na agawin pa ang  panalo pero hindi nila naipasok ang mahahalagang buslo sa endgame upang matulala ang mga locals na sumaksi sa labanan.

Pakonsuwelo sa Beermen ang pagkakahirang kay Avenido bilang Best Local player ng ABL.

ALLAN SANGGALANG

ANG BEERMEN

ANG PATRIOTS

ANTHONY JOHNSON

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BEST IMPORT NAKIEA MILLER

BEST LOCAL

CHANG THAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with