2 korona kay Seno sa PSC netfest
MANILA, Philippines - Sinakyan ni Jan Godfrey Seno ang kanyang panalo kay second seed Emmanuel Vacallares sa semifinals para talunin si Justine Prulla, 6-2, 6-0, sa finals at angkinin ang boys’ 14-and-under crown sa Philippine Sports Commission-Philippine Tennis Association Age-Group Tennis Championships kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Matapos ito, nakipagtambal naman si Seno kay Luke Flores upang kunin ang 6-2, 6-1 tagumpay kontra kina Brysl Libao at Sohaimen Mama sa pagsikwat sa doubles crown sa event na itinataguyod ng PSC at Philta kasama ang Dunlop Fort bilang official ball.
Dahil sa kanyang panalo, nakaipon si Seno ng 350 ranking points, kasama ang 200 sa singles event.
Samantala, binigo naman ni Stefan Suarez si top seed Marcen Gonzales, 7-5, 6-1, para makaharap sa finals ng boys’ 16-and-U si Betto Orendain, giniba si Daniel Villasenor, 6-2, 6-1.
Pinatumba ni Mikaela Vicencio si Alexandra Eala, 6-3, 6-2, patungo sa finals ng girls’ 12-and-U category laban kay fourth seed Bettine Bautista, sinibak si Gia Sagandoy, 6-3, 6-2.
- Latest