^

PSN Palaro

Semis kasado na sa Road Warriors

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malakas na panimula ang ginawa ng Blackwater Sports upang alisan agad ng anumang kumpiyansa ang Café France tungo sa 81-60 demolisyon sa hu­ling laro ng PBA D-League Aspirants Cup sa taong 2012 na ginawa kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakuha naman ng NLEX ang bangis ng laro sa huling yugto upang iwanan ang Cebuana Lhuillier, 89-76, sa ikalawang laro.

Ito ang ikasiyam na pa­nalo sa 10 laro ng Road Warriors para opisyal na angkinin ang unang puwesto sa semifinals ng liga.

May 15 puntos si RR Garcia, 14 ang hatid ni Garvo Lanete habang 10 pa ang ibinigay ni Ian Sangalang para sa Road Warriors na gumamit ng dalawang matitinding runs sa huling yugto para tulu­yang isantabi ang pagdikit ng Gems sa 66-65.

“Mahalaga sa amin ang panalong ito dahil nakuha namin ang semis seat,” wika ni Fernandez.

Nalaglag ang Gems sa 3-4 baraha at manga­ngailangan na maipanalo ang nalalabing apat na laro para tumibay ang paghahabol na makaabante sa susunod na round.

Si Jeric Fortuna ay may 13 puntos, si Kevin Ferrer ay may 11at si Gio Ciriacruz ay may 10 para sa Elite na humarurot sa 24-10 matapos lamang ang unang yugto.

“Gusto lamang na­ming ipakita na ibang team kami kumpara sa NLEX. Maganda ang panalo nila sa kanilang huling game pero talagang gusto na­ming ipanalo ito,” wika ni Elite coach Leo Isaac.

Hindi lumamya ang laro ng Elite dahil lalo pa silang bumangis sa second period nang pakawalan ang 20-7 palitan para sa 44-17 bentahe.

Ikalimang panalo sa pitong laro ang naitala ng Elite upang makapantay sa ikalawang puwesto ang Big Chill.

“A win to end the season is great for us. Hopefully we can build on this momentum next year as we try to nail the second semis seat,” dagdag ni Isaac.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

GARVO LANETE

GIO CIRIACRUZ

IAN SANGALANG

KEVIN FERRER

LARO

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with