^

PSN Palaro

Nagdesisyon na labanan ang mga Kenyan: Agura sumegunda sa QCIM

Angeline Tan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang de­sisyon ng 35-anyos na si Ja­net Agura na sumagupa sa international division nang angkinin ang ikalawang puwesto sa kababaihan sa 4th Quezon City In­ternational Marathon kaha­pon sa Quezon Memorial Circle.

Ang mga local runners sa 42.195-kilometrong ka­­rera na inorganisa ng RUN­NEX at suportado ng Quezon City Government at SM Development Cor­poration (SMDC) ay ma­aaring makapamili kung sa in­ternational o local cate­gory si­la kakarera at si Agura ay nag­desisyon na makipag­su­katan sa mga bigating Ken­yan runners.

“Nakaharap ko na ang mga Kenyan runners at na­nalo na ako sa maig­sing distance. Pero ito ang unang pagkakataon na sa marathon kami naglaban at ginusto ko na dito su­mali para makita ko ang ka­kayahan ko,”  wika ni Agu­ra, athletics coach ng La Salle Lipa.

Napahirapan pa si Agu­ra dahil naligaw siya pagpasok sa UP upang humaba ng halos apat na kilometro ang tinahak na distansya.

Ngunit ang masidhing determinasyon ang nagtulak sa kanya para habulin si Patroder Kembol para sa ikalawang puwesto.

“Wala akong ginawa kun­di ang maghabol nang mag­habol. Kaya noong na­­kuha ko ang kalama­ngan at nakuha ang second place ay masaya ako dahil ta­lagang pinaghirapan ko ito,” wika ni Agura na nagtala ng tiyempong 3:33:37.

Anim na minuto ang ini­la­yo ng Filipina runner kay Kem­bol na may 3:39:59, ha­bang ang unang puwes­to ay nasungkit ni Everline Nyamu Atancha sa 3:00:28.

Halagang P75,000, P50,000 at P30,000 ang na­­panalunan ng top three fi­­nishers at ang perang na­­panalunan ay itatabi ni Agu­ra para maipantustos sa pag-aaral ng apat na anak.

Sina Kiptalam Kimuge, Geofrey Birgen at Philip Ro­noh ang nalagay sa unang tatlong puwesto sa 2:31, 2:31:04 at 2:38:46.

Sina Elmer Sabal at Luisa Raterta ang hinirang na mga kampeon sa local divison sa naisumiteng 2:42:47 at 3:25:31, ayon sa pagkakasunod.

Ginusto ni Raterta na tu­makbo sa local para ma­­kuha ang premyong P30,000.

 

vuukle comment

AGU

DEVELOPMENT COR

EVERLINE NYAMU ATANCHA

GEOFREY BIRGEN

LA SALLE LIPA

LUISA RATERTA

PATRODER KEMBOL

PHILIP RO

QUEZON CITY GOVERNMENT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with