Hobe vs Skyforce sa finals ng 2nd DELeague
MANILA, Philippines - Itinakda ng Hobe Bihon at Skyforce Team ang pagtutuos para sa kampeonato ng 2nd DELeague Open Invitational Basketball Cup.
Tinalo ng Hobe Bihon ang Hog’s Breath Café, 89-87, para walisin ang single round robin semifinals sa palarong inorganisa ng Marikina Mayor Del de Guzman at suportado ng PCA-Marivalley, OLOPS College, Jekasa Sportswear, Hobe Bihon, Mckie’s Video, Simply Delicious at LUYONG Panciteria.
Si Christian Jefferson ang bumandera sa Hobe Bihon sa kanyang 23 puntos at 13 boards para ipatikim sa Hog’s Café ang ikalawang kabiguan sa tatlong laro.
Bilang insentibo sa pagwalis sa semifinals, ang Hobe Bihon ay magkakaroon ng thrice-to-beat advantage sa Finals.
Tuluyan namang pinatalsik ng Skyforce ang dating kampeon Sta. Lucia East Grand Mall sa pamamagitan ng 116-111 tagumpay sa overtime.
- Latest