^

PSN Palaro

Azkals nakasilip ng pag-asa, wagi sa Vietnam

Pilipino Star Ngayon

BANGKOK--Muling dinuplika ng dehadong Phil­ippine Azkals ang ka­nilang panalo dalawang taon na ang nakararaan nang pasadsarin ang Vietnam, para buhayin ang kanilang tsansa sa group stage  ng 2012 AFF Suzuki Cup kagabi sa Rajamangala Stadium dito.

Iniskor ni local booter Chieffy Caligdong ang winning goal sa pang 86th minute ng second half mula sa pasa ni Angel Guirado para sa 1-0 tagumpay ng Azkals kontra sa Vietnam.

Nauna nang ginulat ng Azkals ang Vietnam sa 2012 AFF Suzuki Cup mula sa isang 2-0 panalo

Bago ang pananaig sa Vietnam, yumukod mu­na ang Azkals sa bi­ga­ting Thailand, 1-2, sa kanilang unang laro kung saan napatawan si German head coach Michael Weiss ng isang one-game suspension dahil sa pam­babato ng bola sa isang Thai player.

Matapos naman ang panalo laban sa Vietnam, ang Myanmar ang sasagupain ng Azkals bukas ng alas-8:20 ng gabi o 9:20 ng gabi sa Maynila.

Ang Myanmar ang unang gumawa ng ek­se­na matapos gulatin ang Vietnam, ang 2008 champions, sa isang 1-1 draw sa pagsisimula ng group stages ng 2012 AFF Suzuki Cup noong Nob­yembre 24.

vuukle comment

ANG MYANMAR

ANGEL GUIRADO

AZKALS

CHIEFFY CALIGDONG

INISKOR

MATAPOS

MICHAEL WEISS

RAJAMANGALA STADIUM

SHY

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with