^

PSN Palaro

Letran nililigawan uli si Alas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nililigawan uli ng pamunuan ng Letran ang kanilang head coach na si Louie Alas para maupo uli sa kanilang bench sa papasok na 2012-2013 NCAA season.

Naihatid ni Alas ang Knights sa finals pero minalas na natalo sa San Beda sa deciding Game Three.

Matapos ang laro, ini­hayag ng 49-anyos na coach na iiwan na niya ang pagko-coach upang makapagpahinga.

Tumagal si Alas ng 12 taon sa Letran at tatlong beses na pinagkampeon ang Knights.

Mahalaga ang makukuhang desisyon sa beteranong coach na sumalang din sa PBL, MBA, PBA at ABL, dahil ang Knights ay kasali rin sa Philippine Collegiate Champions League na magsisimula na sa buwang ito.

“We have no basketball coach yet because we’re still waiting for a decision, which will come from the higher-ups. What we can do is to wait and see what happens,” wika ng athletic director ng Letran at chairman ng Management Committee na si Fr. Vic Calvo, OP.

Nakipagpulong kaha­pon si Alas sa pamunuan ng paaralan at inaasahang maglalabas siya ng desis­yon sa loob ng ilang araw.

Bigo man na madala sa kampeonato ay makulay pa rin ang taon para kay Alas dahil nagawa niyang ibangon ang Knights mula sa 4-5 karta matapos ang unang round.

Walo sa siyam na sumunod na laro ang naipanalo ng koponan bago winalis ang dalawang laro nila ng San Sebastian sa Final Four upang makuha ang karapatang labanan ang Red Lions.

Sa 12 taon ni Alas sa Knights, 10 beses na puma­sok sa playoff ang paaralan at siya ay may 135-68 win-loss record bukod pa sa 16-3 sa playoff round.

 

FINAL FOUR

GAME THREE

LETRAN

LOUIE ALAS

MANAGEMENT COMMITTEE

PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE

RED LIONS

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

VIC CALVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with