^

PSN Palaro

POC Comelec nagtakda ng deadline kay Go

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binibigyan ng hanggang disperas ng election si GTK para maisumite sa POC ang kautusan ng Korte Suprema para makatakbo sa halalan

Sa Nobyembre 30 sa Alabang Country Club gagawin ang eleksyon at si Go ay nagbabalak na labanan si two-time POC president Jose Cojuangco Jr. sa pinakamataas na puwesto sa National Olympic Committee (NOC).

“He has until 29th of November to submit the Supreme Court ruling,” wika ni Ricky Palou na kasapi sa tatlo kataong Comelec na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Hindi pa inaalis si Go sa talaan ng mga gustong tumakbo pero hindi pa rin siya inilalagay bilang official candidate dahil sa deklarasyon ng POC General Assembly na persona non grata at nagresulta sa kanyang expulsion sa organisasyon noong nakaraang taon.

Umabot sa Supreme Court ang problema pero dahil hindi dumalo ang POC sa pagdinig kaya’t pumabor ang desisyon kay Go.

“He is not disqualified as of now. If we get the copy of the ruling, the Comelec will sit down and we will allow him to run,” paliwanag pa ni Palou na idinagdag pa na ang kanilang desisyon ay pinal na at hindi maaaring iapela kahit sa General Assembly.

Bukod kay Palou, na opisyal din ng Ateneo, ang iba pang kasapi ng Comelec ay si dating Kongresista Victorico Chavez bilang chairman at Bro. Bernie Oca bilang miyembro.

Wala naman naging problema sa ibang tuma­takbo.

ALABANG COUNTRY CLUB

BERNIE OCA

COMELEC

GENERAL ASSEMBLY

JOSE COJUANGCO JR.

KONGRESISTA VICTORICO CHAVEZ

KORTE SUPREMA

NATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

PALOU

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with