Energy Cola inilusot ni Tubid sa panalo Bolts nakuryente sa Painters
MANILA, Philippines - Nang kunin ng Elasto Painters ang isang 13-point lead sa halftime ay hindi na nila nilingon pa ang Bolts.
Tinapos ng Rain or Shine ang two-game winning run ng Meralco sa pamamagitan ng 106-81 panalo para sumosyo sa ikalawang puwesto sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“It started with our defense and we continued to work on our offense later on. Doon nagsimula ‘yon, sa depensa namin,” sabi ni coach Yeng Guiao sa kanyang Elasto Painters na nilimita ang mga scorers ng Bolts na sina Sol Mercado, Mac Cardona at Ronjay Buenafe. “We were ready to play the guard matchups because the top three scorers in their team are their guards. Our defenders did a really good job on them.”
Nagposte ang Rain or Shine ng isang 33-point lead, 94-61, sa huling pitong minuto sa fourth quarter upang tuluyan nang selyuhan ang kanilang panalo kontra sa Meralco.
Umiskor ang defensive player na si Jireh Ibañes ng game-high 23 points para sa Elasto Painters kasunod ang 16 ni Beau Belga, 15 ni Ryan Araña at 10 ni JR Quiñahan, habang tumipa si Cardona ng 20 markers sa panig ng Bolts.
Sa unang laro, isinalpak ni Ronald Tubid ang isang basket mula sa pasa ni Sean Anthony sa huling 18.1 segundo para itakas ang Barako Bull laban sa Globalport, 95-94, at wakasan ang kanilang three-game losing skid.
Tumapos si Tubid na may 19 points kasunod ang 18 ni Rico Villanueva, 13 ni Mic Pennisi at 11 ni Leo Najorda.
Kasalukuyan pang naglalaro ang Mixers at ang Gin Kings habang isinusulat ito.
Barako Bull 95 - Tubid 19, Villanueva 18, Pennisi 13, Najorda 11, Anthony 9, Urbiztondo 9, Yap 9, Kramer 4, Alvarez 3, Ballesteros 0.
Globalport 94 - Yee 20, Miller 17, Manuel 12, Deutchman 11, Lingganay 10, Vanlandingham 7, Vergara 7, Al-Hussaini 5, Antonio 3, Adducul 2, Mandani 0.
Quarterscores: 22-18; 49-48; 77-74; 95-94.
Rain or Shine 106 - Ibañes 23, Belga 16, Arana 15, Quinahan 10, Tang 9, Cruz 8, Chan 7, Rodriguez 7, Norwood 6, Matias 5, Uyloan 0, Jaime 0.
Meralco 81 - Cardona 20, Salvacion 14, Buenafe 11, Hodge 9, Mercado 9, Hugnatan 6, Bulawan 5, Borboran 4, Reyes 3, Belencion 0, Ross 0, Sharma 0, Artadi 0.
Quarterscores: 25-19; 41-28; 80-53; 106-81.
- Latest
- Trending