^

PSN Palaro

Cool Smashers nagdaos ng clinics sa Canada

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Dumayo ang Creamline Cool Smashers sa Ca­nada upang magsa­ga­wa ng volleyball clinics sa mga kabataang volleyball players.

Iang serye ng special skills camp ang isinagawa ng Premier Volleyball League (PVL) reigning champions kasama ang mga players ng Cool Sma­shers.

Maliban sa camps ay sumalang din ang Cool Sma­shers sa exhibition game laban sa isang Cana­dian club kung saan nag­laro rin si dating De La Salle University standout Tin Tiamzon.

Dating naglalaro si Tiamzon sa Philippine Superliga kasama ang F2 Logistics Cargo Movers.

Ngunit nagdesisyon itong magretiro noong 2022.

Nagtungo ito sa Vancouver, Canada kung saan ito nagtrabaho.

Matapos ang Canada trip ay balik sa Pilipinas ang Cool Smashers upang ipagpatuloy ang kampanya nito sa PVL All-Filipino Conference.

Kasalukuyang hawak ng Creamline ang malinis na 4-0 rekord.

Sa pagbabalik aksiyon ng PVL ay makakaharap ng Cool Smashers ang Ca­pital1 Solar Spikers sa Enero 21.

Sa ngayon ay pahinga muna ang Cool Smashers upang makasama ang ka­ni-kaniyang pamilya sa pag­diriwang ng Pasko.

May post pa si Creamline team captain Alyssa Valdez na nagpa-facial ito sa isang sikat na beauty clinic ilang araw bago ang Pasko.

Nakasama ni Valdez ang kaniyang mga ma­gu­lang sa bakasyon.

‘Exploring the world with my parents is the most ama­zing gift,” ani Valdez.

CREAMLINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with