^

PSN Palaro

Pinoy jins babanderahan ni Lizardo sa Korea Open tourney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni John Paul Lizardo ang Pambansang delegasyon na lumipad kamakailan patungong Korea upang lumahok sa 7th Korea Open International Championships na nagsimula na kahapon.

Ang delegasyon ay lalahok sa kyorugi (sparring) at poomsae (forms) events.

Bukod sa paglahok sa torneo, gagamitin din ng mga jins ang pagkakataon na makapagsanay sa mga kilalang paaralan o koponan na nakapagdebelop ng mga world champions.

Kabilang sa mga inaasinta ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ay sa Pung Saeng School at Sang Moo Military Varsity team.

“This special underrating by our athlete will improve their fighting spirit and futhern sharpen their skills,” wika ni PTA vice president  Sung Chun Hong.

Si Victor Emmanuel Veneracion ang siyang head delegation habang ang mga coaches ay sina Kim Hong Sik at Dindo Simpao sa senior sparring at Ko Jun Ho sa junior team.

Ang pagsali ng Pambansang koponan ay suportado ng Smart Communication Inc./MVP Sports Foundation, PLDT at Philippine Sports Commission (PSC).

 

vuukle comment

DINDO SIMPAO

JOHN PAUL LIZARDO

KIM HONG SIK

KO JUN HO

KOREA OPEN INTERNATIONAL CHAMPIONSHIPS

PAMBANSANG

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

PUNG SAENG SCHOOL

SANG MOO MILITARY VARSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with