4 teams respeto na lang ang habol sa no-bearing games

MANILA, Philippines - Pride na lamang ang paglalabanan ng apat na koponang maghaharap sa 88th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sasalang sa ganap na alas-4 ng hapon ang Mapua laban sa Lyceum bago sumampa ang Arellano at St. Benilde dakong alas-6 ng gabi.

Wala na ang apat na teams na ito kung paghahabol sa puwesto sa Final Four ang pag-uusapan dahil ang Cardinals at Chiefs ay may 6-10 baraha habang bitbit ng Blazers at Pirates ang 4-12 at 3-14 baraha para malagay sa huling dalawang puwesto.

Pero inaasahang pukpukan pa rin ang tagisan dahil habol ng mga nag­lalaban ang magandang pagtatapos sa ‘di produktibong kampan­ya sa season na ito.

Parehong inaasinta ng Mapua at Arellano na mahigitan ang kartang hina­wakan noong nakaraang season.

Ang Cardinals ay may 7-11 panalo-talo habang 6-12 naman ang naiposte ng Chiefs sa 87th season at kaya nilang lampasan ito kung maipapanalo ang huling dalawang laro.

Sa kabilang banda, walisin ang kanilang head-to-head ng katapat ang insentibong makukuha ng Blazers at Pirates.

Show comments