Lions pinatalsik ang Cardinals

MANILA, Philippines - Tinapos ng San Beda ang paghahabol ng Mapua na makabalik sa Final Four sa NCAA nang ipalasap ang 65-41 pagkatalo kahapon na nilaro sa Subic Bay Gym sa loob ng Subic Bay Freeport.

Ang Nigerian center na si Ola Adeogun ay mayroong 12 puntos at 8 rebounds habang ang mga guards na sina Baser Amer at Anjo Caram ay tumapos taglay ang tig-10 puntos para sa Lions na kinuha ang ikapitong sunod na panalo sa second round tungo sa nangungunang 14-2 karta at selyuhan rin ang No. 1 rankings sa semis.

Si Amer ay mayroon ding 10 rebounds, 5 assists at 2 steals upang patuloy na ipakita ang kanyang liderato sa koponang naghahangad ng kanilang ikatlong sunod na NCAA title.

Walang manlalaro ng Cardinals ang nakatipak ng doble pigura upang maitala ng tropa ni coach Chito Victolero ang pinakamababang output sa 88th season.

Nakasabay pa ang Cardinals sa unang yugto nang naiwanan lamang ng anim na puntos, 17-11, pero naglaho ang shoo­ting touch ng koponan sa sumunod na quarter at nagtala lamang ng anim na puntos para maiwanan na ng Lions, 36-17.

Sa tindi ng depensa ay nakapagtala lamang ang Mapua ng 22% shooting sa 16-of-72 output upang mamaalam na sa nalasap na ika-10 talo sa 16 laro.

Huling taon na nakatapak sa semis ang Mapua ay noong 86th season.

San Beda 65- Adeogun 12, Amer 10, Caram 10, Dela Rosa 9, K. Pascual 6, J. Pascual 6, Dela Cruz 4, Ludovice 3, Lim 3, Koga 2, Villaruz 0.

Mapua 41- Nimes 8, Magsigay 8, Parala 6, Eriobu 5, J. Banal 5, Ighalo 4, G. Banal 3, Abad 2, Saitanan 0, Layug 0, Estrella 0, Brana 0, Cantos 0.

Quarterscores: 17-11; 36-17; 49-25; 65-41.

Show comments