Mayol, Condes uuwing luhaan
MANILA, Philippines - Magkahiwalay na kabiguan ang natikman kahapon ng mga dating Filipino world champions na sina Rodel Mayol at Florante Condes sa kani-kanilang mga sinuong na title fights.
Natalo ang challenger na si Mayol kay IBF super flyweight titlist Juan Carlos Sanchez ng Mexico sa pamamagitan ng isang ninth-round knockout sa Los Mochis, Mexico.
Napabagsak ng 31-anyos na si Mayol, may 31-6-2 win-loss-draw ring record ngayon kasama ang 22 KOs, ay ang dating WBC light flyweight title-holder, ni Sanchez (15-1-0, 8 KOs) sa 2:25 sa round nine.
Matapos magdomina si Mayol sa first hanggang sixth round, nakabawi naman si Sanchez sa seventh round nang paputukin ang kanang kilay ng Filipino challenger kasunod ang pagrapido ng Mexican sa eight round.
Inihinto ni referee Allan Higgins ang naturang laban sa ninth round nang halos hindi na makasuntok si Mayol kay Sanchez.
Nabigo naman si Condes (25-7-1, 21 KOs) na agawin kay Hekkie Budler (21-1-0, 6 KOs) ng South Africa ang hawak nitong IBO minimumweight belt nang makalasap ng isang unanimous decision loss sa Kempton Park sa South Africa.
Nakakuha ang 24-anyos na si Budler ng 116-112, 118-110 at 115-113 mula sa tatlong hurado para talunin ang 32-anyos na si Condes, ang dating IBF minimumweight king.
Hindi pa napapabagsak si Condes sa kanyang boxing career ngunit napaluhod nang tamaan ng low blow ni Budler sa round eight.
- Latest
- Trending